January 17, 2025

Home SPORTS

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!
Photo courtesy: Manny Pacquiao/Facebook

Tila napa-sentimental si eight division world champion Manny “Pacman” Pacquiao matapos niyang ibahagi ang kaniyang latest Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 12, 2024. 

Saad kasi ng naturang post ang tila pagninilay-nilay ng Pambansang Kamao kung sapat na raw ang kaniyang kampeonato sa walong dibisyon.

“8 divisions. Sitting here wondering… was it enough?” ani Pacman. 

Kalakip ng nasabing post ang kaniyang larawan na tila ba malayo ang tingin at may malalim na iniiisip. Kaya naman bumaha sa comment section ang animo’y pag-comfort ng ilang netizens sa kanila raw idolo. 

Hidilyn Diaz, isasama sa hanay nina Manny Pacquiao bilang Hall of Famer

"More than enough, Champ! You've made the Philippines proud. You’re a legend"

"Yes enough and time for you to relax and chill"

"Nothing to prove and it's totally enough to be one of the greatest boxers in the world."

"More than enough sir and thank you for bringing pride to our country!!"

"More than enough sir ,always be safe and enjoy."

"So much already Pacman. Prioritize your health."

Bagama’t may nagpakita ng buong suporta at iginiit na sapat na raw ang mga karangalang inuwi ni Pacman sa bansa, may ibang fans din ang tila nag-uudyok sa eight division world champion higitan pa raw ang sariling record at muling makipagsabayan sa boxing ring. 

"We want more boss"

"Isang laban pa Manny, para naman mapahinga saglit Pilipinas kahit isang araw lang."

"Kulang pa po ng dalawa Sen. Manny."

"Go back in to the ring and challenge Inoue of Japan"

"Should have been 10"

"We need more idol matalo manalo ikaw pa rin ang champion ng bayan idol."

Ito na kaya ang pahiwatig ni Pacman ng kaniyang muling pagtungtong sa boxing ring? Matatandaang kabilang si Pacquiao sa 2025 senatorial line-up na na inendorso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.