January 20, 2025

Home BALITA National

Ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara, ihahain daw ng religious group?

Ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara, ihahain daw ng religious group?
Photo courtesy: screenshot from Inday Sara Duterte/Facebook, Pexels

Nakatakdang maihabol ang umano’y ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na siyang ihahain daw ng isang religious group. 

Sa panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC) kamakailan kay ACT Teachers party-list Representative France Castro, posible raw na isumite ng naturang religious group ang impeachment file sa susunod na linggo. 

"We just heard from one of our colleagues that a group of religious people would file next week... It's already certain to be submitted next week,” ani Castro. 

Matatandaang noong Lunes, Disyembre 9, 2024, nauna na ring kumpirmahin ni House Secretary General Reginald Velasco ang paghabol pa raw ng ikatlong impeachment case laban sa Pangalawang Pangulo bago niya ito tuluyang ipasa kay House Speaker Martin Romualdez. 

National

Castro, nagpunta sa Divisoria: ‘Bagong taon na, ‘di pa rin nagbabago kalagayan ng mga Pinoy!

KAUGNAY NA BALITA: Impeachment case ni VP Sara, maaari pang madagdagan?

Ipinaliwanag din ni Castro na maaari daw kasing ma-technical ang dalawang impeachment files kung mauuna itong isumite sa House Speaker at hindi hinintay ang ikatlong case.

“That's why the first 2 impeachments filed a few days ago ay hindi pa siya tina-transmit sa Office of the Speaker kasi inaantay pa yung pangatlo... Kasi pag sinubmit 'yung dalawa kapag wala pa yung pangatlo baka ma-technical," anang mambabatas.

Samantala, bagama’t duda na rin daw si Castro na maiaakyat daw sa Senado ang impeachment cases laban kay VP Sara bago ang Christmas break, kung saan hanggang Disyembre 18 na lamang ang huling sesyon ng Kamara at Senado, giit niya, maaari naman daw itong umusad pagkatapos ng Pasko. 

“Puwede naman after Christmas mag-convene ang Justice committee o Congress para desisyonan 'yan at i-transmit sa Senado,” saad ni Castro.

KAUGNAY NA BALITA: Proseso ng impeachment kay VP Sara, posibleng magahol sa oras?