Tila may hamon si Vice President Sara Duterte sa taumbayan hinggil sa pagdedesisyon daw ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng Pangalawang Pangulo ng bansa.
Sa isinagawang press briefing ng Bise Presidente, muli niyang iginiit ang umano’y totoong interes daw ni House Speaker Martin Romualdez na magkaroon daw ng mas mataas na posisyon sa gobyerno.
“This is personal knowledge, kasi narinig ko talaga kaya, I was there! So kaya alam ko sa simula pa lang, narinig ko yun,” ani VP Sara,
Dagdag pa niya, wala naman daw kaso para kay VP Sara ang naturang umano’y ambisyon daw ng House Speaker ngunit hindi niya raw nagustuhan na inatake daw nito ang kaniyang opisina.
“Wala naman sa akin ‘yon. Kasi lahat naman puwedeng tumakbong Presidente eh. Ang hindi ko lang inxpect ‘yong gagamitin mo ang buong gobyerno para sirain ‘yong isang tao,” saad ng Pangalawang Pangulo.
Kaugnay nito, may hamon si VP Sara sa taumbayan kung handa raw ba ito na maging Vice President si House Speaker Romualdez?
“Kailangan nang magdesisyon ng taumbayan. Gusto n’yo ba ng Vice President Martin Romualdez? ‘Yan ang tanong, kasi ‘yan naman talaga yung plano niya. And so kailangan mag-decide ng taumbayan, if you want somebody sitting there na hindi n’yo naman binoto,” saad ni VP Sara.
Samantala, matatandaang nauna nang magbigay ng pahayag ang House Speaker at tinawag na “baseless’ accusations lang daw ang paratang ni VP Sara upang takbuhan ang mga hinaharap nitong reklamo kaugnay ng paggamit niya sa kaniyang confidential funds.
KAUGNAY NA BALITA: Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'