Nagpaabot ng pagbati ang "Magandang Buhay" at "Kuan On One" host na si Momshie Melai Cantiveros sa kaniyang mister na si Jason Francisco para sa kanilang 11th anniversary bilang mag-asawa.
Sa kaniyang Instagram post noong Disyembre 9, binigyang-papuri ni Melai ang Diyos na kanilang "third wheel" sa kanilang pagsasama.
"11th Year Shout Out to the Lord God sa laging 3rd wheel nmin sa mga pagsubok sa buhay, di nmin maabut tu kng di sayu Lord . Thank you Lord and Happy 11th Anniversary sa atin God Sana more lubak sa lakad ng buhay ang mapagtagumpayan kasama kayu Lord and we praise u Lord sa lagi mung pagbibigay ng wisdom and pasensya sa sa amin mag asawa Labyu Lord ," aniya.
Matatandaang nagsimula ang relasyon ng dalawa nang pumasok sila bilang housemates sa reality show na "Pinoy Big Brother: Double Up" noong 2009, kung saan si Melai ang itinanghal na "Big Winner."