January 23, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'Big shoes to fill:' Aicelle Santos, na-pressure sa 'Isang Himala'

'Big shoes to fill:' Aicelle Santos, na-pressure sa 'Isang Himala'
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network, ABS-CBN Star Cinema (YT)

Inamin ng Kapuso singer-songwriter na si Aicelle Santos na nakaramdam daw siya ng pressure sa pagganap sa iconic na karakter ni Superstar Nora Aunor sa reimagined version ng iconic movie niyang “Himala.”

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Disyembre 10, tila hinamon ni Boy si Aicelle kung paano nito makukumbinse ang tulad niya para manood ng pelikulang “Isang Himala.”

“Una sa lahat, walang makakapantay o makakahigit na kahit sino man sa nag-iisang Superstar at National Artist po na si Miss Nora Aunor. I’m always asked. Are you pressured? Of course, I am pressured,” saad ni Aicelle.

“Pero big shoes to fill ‘to. Papaano mo ‘to ginawa? Ang sabi ko, ito ay karakter na pinag-aralan. We stay faithful to the script but also unfaithful. ‘Yon ang naging exact term ni Direk Pepe Diokno,” wika niya.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Dagdag pa niya, “Bakit n’yo kailangang panoorin? Dahil ito ay isang obra ni Sir Ricky Lee, ang ating National Artist. Dahil nagsama-sama rito, nagbuklod-buklod ang pinakamagagaling na theater actors ng ating bansa.”

Matatandaang ang “Isang Himala” ay isa sa mga magiging lahok sa darating na 2024 Metro Manila Film Festival.

MAKI-BALITA: 2nd batch ng official film entries sa MMFF 2024, pinangalanan na!

MAKI-BALITA: PANOORIN: Official teaser ng 'Isang Himala,' inilabas na!