Isa sa mga sikat na celebrity na nanood ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) basketball men's finals si Kapamilya star Andrea Brillantes noong Miyerkules, Disyembre 10, na ginanap sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ito na ulit ang pagbabalik-nood ni Blythe sa UAAP basketball action makalipas ang dalawang taon.
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Andrea, sinabi niyang nahanapan niya ng oras na makapanood ulit para suportahan ang UP Fighting Maroons.
"I think it has been two years, ngayon na lang ulit ako nakabalik dito [sa UAAP]. Actually, last year ko pa gusto manood ulit, pero super busy. Ngayon, sakto, kakatapos lang ng [ABS-CBN] Christmas Special kahapon and ngayon, meron akong extra time," anang Blythe.
Matatandaang ang ex-boyfriend ni Andrea na si Ricci Rivero ay kabilang sa nabanggit na koponan.
Pasabog pa nga ang ginawa nitong "girlfriend proposal" sa kaniya na talaga namang umagaw ng eksena.
MAKI-BALITA: '3-point shot!' Andrea, 'the one' na raw para kay Ricci; ikinuwento ang naging proposal