Usap-usapan ang Facebook post ng umano'y nagpakilalang tita ng aktor na si Anthony Jennings na nagtatanggol sa kaniyang pamangkin, sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito, kaugnay pa rin sa "cheating issue" sangkot ang katambal na uevasi Maris Racal at ex-girlfriend na si Jamella Villanueva.
Ayon sa Facebook post ng tita ni Anthony, buong-buo raw ang suporta niya sa pamangkin, na gaya niya, ay tao lamang din at nagkakamali. Diyos lamang daw ang puwedeng humatol sa kaniya.
"Laban lang pamangkin ko,alm ko malalampasan natin lahat to.tandaan mo Dios lang ang pweding humatol!!lahat ng tao pwede mag kamali!!,andto kmi na pamilya mo sumusuporta sayo!!we love you Anthony ," mababasa sa post ng nagngangalang "Merilyn Olofsson."
Bukod pa rito, usap-usapan din ang tila rebelasyon ng nabanggit na tita kaugnay naman sa umano'y "pagkontrol" ng ex-girlfriend sa pera daw ni Anthony noong sila pa.
Lahat daw ng mga naipa-partner kay Anthony ay pinagseselosan daw nito.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Jam o ni Anthony tungkol sa isyu.