December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Diwata reindeer ang peg, inokray ng netizens; mas mukha raw tikbalang?

Diwata reindeer ang peg, inokray ng netizens; mas mukha raw tikbalang?
Photo courtesy: diwata pares over fans page (FB)

Nakatanggap ng sangkatutak na pintas mula sa mga netizen ang social media personality, paresan owner, at 4th nominee ng Vendors party-list na si Deo Balbuena alyas "Diwata" dahil sa pagsusuot niya ng reindeer costume at pag-flex niya ng mga larawan sa social media.

Batay sa post ni Diwata ay mukhang kinuha siyang hurado ng isang gay beauty contest kaya napili niyang peg bilang costume ang reindeer dahil malapit na ang Pasko.

"Ready na ngayon gabi para i judge ang mga kabaklaan!" caption ni Diwata sa kaniyang post.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Tsika at Intriga

Enrique Gil, ayaw pagbigyan ng interview si Ogie Diaz?

"Parang kalaban to ng angelic makeup look haha cute"

"Bakit parang tikbalang hahaha"

"Nalito ako..Reindeer ba ito o kabayo?"

"hala tapos na po yung halloween magpapasko napo naka costume kapa rin"

"Murah nagud tikbalang"

"Bakit po may Kambing?"

"Cute nya para sya kabayo super cute"

"kelan pa naging reindeer ni Sta. Claus ang tikbalang. Peace

"Ngpabuyag na nman grabe tawa ko sa mga comment sakit ng tyan ko habang ngkakape tikbalang daw oh my goodness "

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman sa social personality at pinagsabihan ang mga mapanlait na netizens na huwag okrayin si Diwata dahil marami siyang natutulungan.

"Bakit ba galit na galit kau kay diwata ano ba kasalanan nia sa inyo. Siguro wala kayong pera sa pasko no. Kaya galit na galit kayo sa kanya kasi marami xang pera.. Pag inggit kasi. Pikit, "

"Grabe naman kayo manlait kay Diwata, wala naman siyang ginagawang masama sa inyo."

"Hay naku Diwata don't mind your bashers, ang mahalaga successful ka sa lahat ng mga pinapasok mo."

"Nobody's perfect tlga, minsan khit nsa atin na ang lhat, d nawawala ang word na kaya lang...... Bsta maging mbuti lng tayo sa ating kapwa tao, d man kaayusan ang ating kaanyuan pipiliin pa rin nila tayo igalang.... God bless po at merry x mas poh......"

"Gogogo loduli dewata wag pansinon mga bsher u inghit lang yn n moron sau Wala s kanila kaya Galit cl sau emportante malinis ang puso u at magpatuloy Klang s Gawain mabuti un Ang the best"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Diwata tungkol dito.