December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Valentine, dinogshow si Maris: 'Kailangan talaga OOTD si Sadness?'

Valentine, dinogshow si Maris: 'Kailangan talaga OOTD si Sadness?'
Photo courtesy: Valentine Rosales (FB)

Kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ng social media personality na si Valentine Rosales matapos niyang magbigay ng saloobin sa pagpapaliwanag at paghingi ng tawad ni Maris Racal sa kontrobersiyal na "cheating issue" sa pagitan nila ng katambal na si Anthony Jennings.

Sa video ni Maris noong Biyernes, Disyembre 6, na mapapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN News, ipinaliwanag nga ni Maris ang kaniyang panig patungkol sa pinuputakting isyu, na nagsimula nang maglabas ng mga screenshot na "resibo" ang ex-girlfriend ni Anthony na si Jam Villanueva.

Kapansin-pansing nakasuot lamang si Maris ng puting turtleneck na cardigan, at halos walang make-up.

Si Valentine, napansin daw ang pagkakahawig ng OOTD o Outfit of the Day ni Maris na kahalintulad ng suot ni "Sadness," ang isa sa mga karakter na emosyon sa cartoon movie na "Inside Out."

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Convincing na raw sana para kay Valentine ang pagso-sorry ni Maris, subalit napansin nga niya ang damit nito na katulad kay Sadness.

"MANINIWALA na sana ako sa Apology Video ni Maris eh kaso napansin ko kailangan talaga ka OOTD si SADNESS?" aniya.

"SADNESS YARN?" dagdag pa niya na mababasa na sa comment section ng kaniyang post.

Kalakip ng post ang larawan nina Maris na idinikit niya sa larawan naman ni Sadness.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Para nakapanipaniwala kasi nga SADNESS ang nangyari sa kanya"

"May psychology din kasi pati suot, how you look, hairndown, the way you sit, hand movements gestures, for real lang, lalo na ang white signifies pureness, truth, or innocense or something like that. Kasi nga, plakado na ng management nya ung presscon the way she looks and how she presented herself should go along with the script. Kaso sablay padin eh."

"Inutusan yan ni sadness kasi nasa utak sila nag mamaneho..alangan naman si Joy ang mag maniobra iba parin yun mamaya pa yun pag tapos na si sadness umarte. Ahaha."

"Bigla sya naging conservative sa pa turtle neck si sadness pala magging inspirasyon nya kinabog sa pagpapaawa eh."

"From disgust to sadness"

Samantala, marami naman ang tila seryoso sa naging pag-amin ni Maris sa kasalanan at pag-ako sa accountability sa mga nangyari.

"When I’m tempted to judge someone’s mistakes, I remind myself that I’m not perfect either. We all fall short, just in different ways."

"Iba-ibang struggles, temptations, good sides & bad sides. At the end of the day, we are all humans. We all make mistakes."

"The issue involving Maris and the other parties deserves thoughtful consideration, not judgment. Before forming opinions, ask yourself: have you considered all sides of the story? Do you truly understand Maris’ background, her challenges, and the reasons behind her actions with Anthony? Similarly, have you reflected on Rico’s silence kasi si Rico supposed ang mag-iingay dahil kilala niya si Maris Pero despite on that pinili niyang manahimik at kayo Jan ang maingay na parang perfecto."

"Omg ano gusto nio mag hubad c Maris lol me I'm not also perfect... I was betrayed before and I do that same but all will have bad karma and good karma ..be good guys."

"Many people were angry, and the pain and trauma resurfaced. I am one of those who experienced a similar situation as Jam. However, let's allow them to solve their own problems so they can reflect on it. We should avoid making negative comments or bashing the people involved. We can help more by reducing harsh comments on different sides."

Ilan din naman ang nagsabing hindi sila kumbinsido at hindi naniniwala sa pagso-sorry ni Maris.

"I don't feel the sincerity. All I can see is fear, fear of losing everything."

"Bigla sya naging conservative sa pa turtle neck si sadness pala magging inspirasyon nya kinabog sa pagpapaawa eh. Sorry not convinced."

"Prang pilit ung iyak eh HAHAHA"

"Kung talagang di mo Alam na me relasyon pa yung dalawa hiwalayan mo na ngaun c Anthony por delikadesa,at ngaun pa lang makikita mong nagsinugaling c Anthony sau at niloko Niya c Jam kaya di malayong gawin din yan sau."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Maris tungkol dito.

KAUGNAY NA BALITA: Maris Racal, aminado sa ginawang pagkakamali: 'I'm lonely and getting attention from Anthony'

KAUGNAY NA BALITA: Maris Racal, nagsalita na: 'I'm so embarrassed!'