Tila marami ang sumang-ayon sa hugot post ni Maricar Reyes-Poon patungkol sa "pain and shame," na sakto namang ibinahagi niya sa kasagsagan ng isyu at kontrobersiya nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Nag-ugat ang kontrobersiya dahil sa pasabog ni Jam Villanueva, ex-girlfriend ni Anthony, sa umano'y "landian" ng dalawa habang magkarelasyon pa sila ng aktor, na makikita umano sa mga ibinahagi niyang screenshots sa Instagram stories.
Lumaki ang isyu hanggang sa naglabas na nga ng kani-kanilang pahayag at paghingi ng tawad, nang magkahiwalay, sina Maris at Anthony.
Si Maricar naman, bilang isang artistang nakaranas na rin ng malaking eskandalo noon, ay nag-post naman ng kaniyang saloobin patungkol sa "pain and shame" subalit hindi niya binanggit kung patungkol pa ito kina Maris at Anthony.
"The pain & shame of a mistake can be the first step towards the best & wisest version of yourself. Life is a marathon, not a sprint," ani Maricar sa kaniyang Facebook post noong Disyembre 6.
"Take full accountability, learn well & finish strong."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Tama. Dapat kapag ikaw ang nagkasala accept mo ang consequences. Oo mapagpatawad ang Diyos . Pinapatawad niya tayong lahat pero need parin niya tayo parusahan sa pagkakamali natin para matuto tau. Di yung akala mo papatawarin kalang tapos,tapos na lahat."
"I agree! Take it from Maricar Poon. Nagkamali at tinama ang mali. Everyday is a chance you get to change that one mistake, that bad choice or that deep regret you felt when you believed you had ultimately made the worst decision of your life. FINISH STRONG."
"Indeed. Some of us have experienced very dark pasts and God is just so gracious for he was able to cleanse us from any unrighteousness. Only he can heal and transform."
"Well said. It's important to remember that everyone makes mistakes, and what truly matters is how we take accountability and grow from the experience. Life is full of lessons, and this could be a turning point to come back stronger and wiser."
"Well said Ms.Maricar .Ikaw una kong naala sa sitwasyon ni Maris ngayon ..the pain and shame you’ve been through..But you surpassed it and made yourself better and wiser! You are an inspiration! Face the consequences and change for the better. We all do have our demons. We all do commit mistakes because we’re just human living in this sinful world. We just have to repent. Fall seventh, STAND UP EIGHT."
Ang tinutukoy na eskandalong kinaharap ni Maricar ay noong 2009, matapos kumalat ang sex video nila ng doktor na si Hayden Kho, asawa ngayon ni Dra. Vicki Belo. Bukod kay Maricar, ang sentro ng kontrobersiya nang mga sandaling iyon ay si Kapuso star Katrina Halili.