Tila gumaganda na ang estado ng relasyon nina Kobe Paras at Kyline Alcantara magmula nang aminin nila ang kanilang real-score sa isa’t isa.
Sa ulat ng GMA Entertainment nitong Sabado, Disyembre 7, inihayag ni Kobe ang pagnanais niyang makilala ng kaniyang pamilya si Kyline sa pagpasok ng Bagong Taon.
"I have a lot of family on my mom's side in the States and I'd love for them to meet Ky,” saad ni Kobe.
Dagdag pa niya, “Not a lot of people have met my family from my mom's side so it'll be exciting for me, for them to meet Ky."
Samantala, nakilala na naman daw pala ni Kobe ang pamilya ni Kyline. Ayon sa aktres, “Na-meet niya na po ang aking buong angkan. Why not naman, 'di ba? Kaniya naman."
Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma na ng celebrity basketball player sa isang panayam na nasa dating stage na raw sila ni Kyline.
MAKI-BALITA: Kyline haba ng hair, biggest crush ni Kobe: 'We are dating!'