Excited nang umuwi sa Pilipinas si Miss Universe Asia 2024 Chelsea Manalo ayon sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Disyembre 8.
Kalakip ng kaniyang Instagram post ang ilang mga larawan kung saan makikitang nakasuot pa sa kaniya ang sash ng pagiging Miss Universe Asia.
"Excited to come home to you, PILIPINAS! " caption ni Chelsea sa kaniyang post.
Sa comment section naman, nasasabik na rin ang mga netizen sa kaniyang muling pagbabalik sa Pilipinas matapos ang coronation night ng Miss Universe noong Nobyembre 17.
Hindi man pinalad na makapasok bilang top 5 finalist, si Chelsea naman ang hinirang na Miss Universe Asia 2024, na first time sa kasaysayan ng nabanggit na pageant, kaya panalo pa rin talaga si Manalo, idagdag pa ang pagkakawagi niya bilang best in national costume dahil humakot siya sa boto mula sa netizens.
MAKI-BALITA: Chelsea Manalo, itinanghal na Miss Universe Asia
MAKI-BALITA: Miss Universe Asia 2024 Chelsea Manalo, panalo sa best in national costume
Inaasahang sasalubungin si Chelsea sa kaniyang pagbabalik-Pilipinas, Lunes, Disyembre 9, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.