Tahasang pinabulaanan ng social media personality na si Xian Gaza ang mga naging opisyal na pahayag ni Kapamilya actress Maris Racal kaugnay ng kinasangkutan niyang “cheating issue” sa pagitan ng kaniyang onscreen partner na si Kapamilya actor Anthony Jennings at ex-girlfriend nitong si Jam Villanueva.
Sa pamamagitan ng Facebook post noong Biyernes, Disyembre 6, 2024, diretsahang binanatan ni Xian ang ilan sa mga naging argumento umano ni Maris hinggil sa naturang isyu.
“Hindi totoo na alam ni Rico. Sinabi niya lamang ito para ikondisyon ang mga utak natin na malinis siya at hindi niya niloko yung tao,” ani Xian.
Giit pa ni Xian, hindi rin daw totoo na June 2024 lang nagsimula ang lihim na ugnayan ni Maris at Anthony, upang itanggi lang umano niya na hindi niya pinagsabay ang kaniyang onscreen partner at ex-boyfriend na si dating Rivermaya vocalist Rico Blanco.
Matatandaang ayon sa mga pahayag na binitawan ni Maris sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News, sinabi niyang agad niya raw inamin kay Rico ang kaniyang nararamdaman para kay Anthony kaya umano sila tuluyang naghiwalay ng kaniyang ex.
“I came clean right away. I told my ex everything and I admitted things to him. And then we broke up,” ani Maris.
KAUGNAY NA BALITA: Maris, inamin kay Rico ang nararamdaman kay Anthony bago nakipaghiwalay
Pinuna rin ni Xian ang sinabi ni Maris na wala raw siyang alam sa totoong relationship status ni Anthony at Jam noong mga panahong nagkakamabutihan na raw sila ng aktor. Ayon kasi kay Maris, ang buong pagkakaalam niya raw ay hiwalay na ito sa nasabing non-showbiz girlfriend.
“Aaminin ko, sa araw-araw na pagpunta trabaho namin, nahulog din ‘yong loob ko. He would be very sweet to me. He would be such a gentleman to me. He would say things to me. He would tease me on the set in front of other people. He would tell all the people who were close to me that he was single,” saad ng Kapamilya actress.
KAUGNAY NA BALITA: Maris, nahulog ang loob; 'di alam na may jowa pa si Anthony
Saad ni Xian, binanggit lamang daw ni Maris na wala siyang alam sa relasyon ni Anthony at Jam upang magpanggap na biktima lamang daw siya.
“Hindi totoo na hindi niya alam na si Anthony pa at Jam. Kaya nga sinisigurado niya kay Anthony na mag-delete ng buong convo. Sinabi niya lamang ito para ikondisyon ang mga utak natin na siya ay biktima lang din dito,” giit ni Xian.
Hindi rin pinalagpas ng nasabing social media personality ang umano’y pag-take ng accountability ni Maris sa mga nangyari. Ayon sa kaniya, ginamit lamang daw ito upang isalba ang karera ng Kapamilya actress at isisi ang lahat kay Anthony.
“Hindi totoo na she took accountability for everything. The entire official statement was designed to save her image and career by portraying herself as one of the victims of Anthony na kaming mga lalaki na naman ang mali at masama.”
Kaugnay naman ng pagiging mentally unstable ni Maris, saad ni Xian, totoo naman daw ito kaya raw nagawa ng aktres na pagsabayin umano si Rico at Anthony.
“Totoo na for the last one year ay very vulnerable siya. Wala sa tamang hulog ang kaniyang pag-iisip. Her mental health is not stable to a point na kailangan niyang i-let go si Rico. Hindi siya makapagdesisyon nang tama sa buhay kaya nga pinatulan niya yung may jowa,” saad ni Xian.
Dagdag pa ni Xian: “Totoo na si Anthony ang naging sandalan niya all these months. Totoo na blinded siya sa tunay na motibo ni Anthony, na gagamitin lang pala siya nito as trophy girlfriend while keeping all the private messages and photos. On that note, at some point, totoo na biktima din siya ni Anthony.”
KAUGNAY NA BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings