December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Joshua, Elisse inurirat ng netizens tungkol sa pagmo-MOMOL nila

Joshua, Elisse inurirat ng netizens tungkol sa pagmo-MOMOL nila
Photo Courtesy: Elisse Joson, Joshua Garcia (IG)

Tila kating-kati na ang ilang netizens na malaman kung totoo ba talaga ang inispluk na tsika ni showbiz insider Ogie Diaz tungkol sa umano’y pagmo-MOMOL nina Kapamilya artists Joshua Garcia at Elisse Joson sa ginanap na Star Magical Christmas Ball kamakailan.

MAKI-BALITA: Joshua at Elisse nahuli raw nagmo-MOMOL, McCoy galit na galit?

Sa comment section ng latest Instagram posts nina Joshua at Elisse nitong Biyernes, Disyembre 6, makikita ang dagsang reaksiyon ng mga netizen matapos makasagap ng tsismis. Narito ang ilang komento:

"Be nagmomol daw kayo ni ellise Umayos Ka Ikaw nalang natitira kung idol tumino ka Naman please Lang"

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Kailangan mo paiinterview at baka Ikaw nmn next na mawalan ng mga endorsement kung totoo chika ni Ogie. Matutulad ka kay D"

"Ano na naman tong issue sayo joshua "

"may photos nung nasa ballroom kayo?"

"@garciajoshuae totoo bah yung chika "

"Naku.totoo ba ang chika? Kanino acct maghihintay ng screeshot?hahahahah"

Samantala, narito naman ang hanash ng ilang netizens sa comment section ni Elisse:

"Elisse may pinakalat si ogie diaz para makalimutan namin ang bagyong #maris "

"totoo po ba yon kay joshua?"

"Elisee may paninira na namang kumakalat. Sana di totoo."

"Who's here after Ogie Diaz pasabog?Grabe first of December pa lang"

"Debunked mo yung fake news ni Ogie."

Pero sa kabila nito, may iba pa ring dinepensahan si Elisse sa naturang tsika at intriga.

Ayon sa isang netizen, “2 weeks na yung christmas ball ha, bakit ngayon lang nilabas yung issue? Parang halata gawa gawa lang, para mas magkapera siya sa views. Pero Elisse, need mo magsalita, dahil may anak kayo. Hindi maganda mga ganyan na issue.”

“Elisse is a classy and matino na babae unlike someone,” segunda naman ng isa pa.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, tikom pa rin ang bibig ng mga sangkot na indibidwal kahit ang partner ni Maris na si McCoy De Leon, na ayon kay Ogie ay galit na galit umano sa nangyari.