Tila maraming netizens ang nainggit at napa-sana all sa post ni Kapuso star Bianca Umali para sa kaarawan ng jowa niyang si Ruru Madrid.
Sa latest Instagram post kasi ni Bianca nitong Huwebes, Disyembre 5, matutunghayan sa nasabing video ang sunod-sunod na paghalik ni Ruru sa kaniyang mukha.
“Karapat dapat ka sa lahat ng mga biyaya sayo ng Ama, dahil mabuti ang puso mo.Tandaan mo, ako palaging una na tatalon at papalakpak para sayo sa lahat ng mga tagumpay mo,” saad ni Bianca.
Dagdag pa niya, “Maraming na tayong napagdaanan, pinagdadaanan at pagdadaanan pa… pero hindi ako aalis sa tabi mo. Ika mo nga - palagi natin pipiliin ang isa’t-isa [...].Maligayang kaarawan. ”
Umani ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"ay parang gusto kodin"
"Respeto naman sa mga viewers"
"Tama na po, nasasaktan na yung tao dito eh”" want baby kisses too"
"sana all ano?"
"Maawa naman kayo sa matandang dalaga "
"diko deserved toh, na eto yung unang bubungad sa news feed ko"
"Naranasan ko rin yan, yung mag sun glasses."
"I touch myself nalang"
Sa kabila ng mga nauusong hiwalayan sa showbiz world, tila isa sina Ruru at Bianca sa mga celebrity couple na nananatiling matatag. Matatandaang noong Hulyo ay nagdiwang silang dalawa ng kanilang 6th anniversary.