December 16, 2024

Home BALITA National

PH, Indonesia, lumagda na ng kasunduan hinggil sa pag-transfer kay Mary Jane Veloso

PH, Indonesia, lumagda na ng kasunduan hinggil sa pag-transfer kay Mary Jane Veloso
Mary Jane Veloso (MB file photo)

Pumirma na ang Pilipinas sa kasunduan kasama ang Indonesia nitong Biyernes, Disyembre 6, upang mailipat sa kulungan sa bansa si Mary Jane Veloso.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, sa ngalan ni Department of Justice (DOJ) Boying Remulla ay nilagdaan ni DOJ Undersecretary Raul Vasquez ang kasunduan kasama si Indonesian Minister on Legal Affairs Yusril Ihza Mahendr.

“Your big hearts really paved the way for the final realization of a long sought effort to have Mary Jane Veloso be brought back to the Philippines,” ani Vasquez sa Indonesian government sa isinagawang signing ceremony.

“This has been a long and tedious process of 10 years and what a fitting end to have a gift like this during Christmas,” dagdag niya Vasquez.

National

PBBM, reremedyuhan kinaltasang budget ng DepEd – Angara

Samantala, sinabi rin ng DOJ undersecretary na wala pang partikular na petsa ng pag-transfer kay Veloso sa Pilipinas, ngunit posible raw na mangyari ito bagong mag-Pasko.

“We don’t have a specific date but it is as soon as possible. We have to follow the internal rules and procedures of the Indonesian corrections authorities with respect to that,” ani Vasquez.

“We do understand and we respect the decision of the Indonesian courts with respect to the sentence that was meted on our citizen Mary Jane Veloso and we will endeavour to let her serve her sentence.”

“Once transferred to the country, she will serve her sentence, as agreed upon, in accordance with Philippine laws and regulations with respect to the penal code,” dagdag niya.

Ayon pa kay Vasquez, nakasalalay sa pangulo ng Pilipinas ang pagbibigay ng executive clemency kay Veloso.

Taong 2010 nang arestuhin si Veloso, na ngayon ay 39-ayos, at sentensiyahan ng parusang kamatayan noong 2015 dahil umano sa pagtatangkang magdala ng 2.6 kilo ng heroin sa Indonesia.

Sa kaniyang paglilitis, iginiit ni Veloso na nalinlang lamang daw siya at hindi niya alam na may droga sa loob ng maletang dala-dala niya patungong Indonesia, na mula sa kaniyang recruiter.