Usap-usapan ng mga netizen ang naging maiksing paghingi ng tawad ni Kapamilya actor Anthony Jennings sa ex-girlfriend na si Jam Villanueva at katambal na si Maris Racal, matapos ang hindi pa mamatay-matay na "cheating issue" na nag-ugat sa mga pasabog na "resibong" pinakawalan ni Jam sa Instagram stories noong Disyembre 3 ng gabi.
Sa video message na inilabas ng Star Magic at ABS-CBN News nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 5, humingi ng tawad si Anthony sa dalawang babae dahil sa eskandalong naidulot niya sa kanila.
“Sa lahat po ng mga nangyari noong mga nakaraang araw. Sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko especially sina Maris at Jam, humihingi po ako ng tawad sa dalawang babae. And sa lahat po ng mga nadamay ko rin po. 'Yon lamang po, sorry po ulit,” saad ni Anthony.
Ang nasabing pahayag ni Anthony ay ilang mga oras matapos magsalita ni Maris sa pamamagitan ng isang eksklusibong panayam ng ABS-CBN News.
MAKI-BALITA: Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris
Samantala, napa-react naman ang mga netizen sa naging paraan ng pagso-sorry ni Anthony. Marami ang nabitin at tila nais pang malaman ang kaniyang side of story, dahil ang version daw ni Maris ay mahaba.
May ilan namang pinuna ang hitsura ni Anthony sa video, na mukhang "tired" at stress daw.
Dahil dito, ilang netizens ang gumamit sa isa sa mga nag-trending na mensahe ni Maris kay Anthony base sa screenshot ng kanilang trending na "sexy chats."
"You look tired. I wanna baby you," hirit ng isang netizen sa kaniya na nagngangalang "Niel Padilla," sa kaniyang Facebook post.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa kapwa netizens, na tila nanggatong pa.
"I think kailangan nya ng BABY KISSES"
"I wanna baby you Anthony..."
"He looks tired. Come, be my pillow..."
"Ganyan Talaga pag stress sa kalukuhan may Kilala akong ganyan"
"It was so hot"
"you got your sweater na ah"
"wag ka paapekto laban lang lilipas din tang issue na yan"
Samantala, wala pang reaksiyon at komento sina Maris at Jam sa paghingi ng tawad ni Anthony sa kanilang dalawa.