December 16, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maris sa kaniyang very intimate side: 'Gano'n talaga ako 'pag nagbibigay ng pagmamahal'

Maris sa kaniyang very intimate side: 'Gano'n talaga ako 'pag nagbibigay ng pagmamahal'
photo courtesy: ABS-CBN/FACEBOOK/SCREENSHOT

Humingi ng paumanhin ang aktres na si Maris Racal dahil nakita raw ng publiko ang kaniyang "very intimate side" na dapat daw ay "private."

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Disyembre 6, humingi si Maris ng tawad at ipinaliwanag ang kaniyang panig.

"To the public, I am sorry you got to see that very intimate side of me. Gano'n talaga ako 'pag nagbibigay ng pagmamahal. It was supposed to be private. It was supposed to be a private intimate thing. I'm sad na nakita 'yon ng tao. And yes, I don't want to play the victim here. Nagkamali rin talaga ako," saad ng aktres.

Pahayag pa niya, "I want to say sorry to those people I have hurt. I reached out to Jam last November and I didn't get a reply... I'm truly sorry to those people who supported me for 10 years. Alam nila lahat na ginapang ko 'yong career ko mapunta lang sa kung saan ko gusto. Ginawa ko lahat, pinaghirapan ko lahat sa tulong nila, nagagawa ko 'yong mga gusto ko."

Tsika at Intriga

'The world is healing?' Sharon, ibinida larawan kasama sina PBBM, FL Liza

"I don't know where I'm gonna go. I don't know saan ako papunta. 'Yong dignidad ko hindi ko na mahanap..." 

Matatandaang nagsimulang putaktihin ng mga netizen sina Maris at Anthony matapos isiwalat ng ex-partner ng huli ang ginawang pagtataksil nito.

MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings

KAUGNAY NA BALITA: Maris, inamin kay Rico ang nararamdaman kay Anthony bago nakipaghiwalay

KAUGNAY NA BALITA: Maris Racal, aminado sa ginawang pagkakamali: 'I'm lonely and getting attention from Anthony'

KAUGNAY NA BALITA: Maris, nahulog ang loob; 'di alam na may jowa pa si Anthony