Inamin ng “Incognito” star na si Maris Racal ang naging pagkakamali niya sa kontrobersiyang kinasangkutan nila ni Anthony Jennings.
Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Disyembre 6, humingi si Maris ng tawad at ipinaliwanag ang kaniyang panig.
“Today I will take the accountability for everything. Nagkamali ako and I want to say sorry for everything that I have done,” saad ni Maris.
“It all started last June of 2024. I was in a very dark place. I’m lonely and I was getting attention from Anthony. The kind of attention that I needed,” wika niya.
Dagdag pa ng aktres, “When I sense that there was growing attention between Anthony and I, nadala ako sa emotions ko. And I knew it was wrong.“
Kaya naman—ayon kay Maris—inamin daw niya ang lahat ng ito sa ex-boyfriend niyang si Rico Blanco.
“I told my ex everything and I admitted things to him. And then we broke up,” aniya.
Matatandaang sa isang ginanap na press conference noong Hulyo ay tila nawindang ang mga tao nang kumpirmahin ni Maris ang breakup nila ni Rico.
MAKI-BALITA: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!
Ayon sa aktres, hindi raw niya alam kung anong nangyari sa kaniya gayong sa loob ng limang taon ay pareho lang naman daw sila ni Rico na nasa iisang “pahina.”
MAKI-BALITA: Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?