Tila wala raw kamalay-malay si “Incognito” star Maris Racal sa relationship status ng ka-loveteam niyang si Anthony Jennings.
Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Disyembre 6, sinabi ni Maris na noong inamin umano niya kay Anthony na nakipaghiwalay na siya sa singer-songwriter na si Rico Blanco ay sinabi rin umano nito sa kaniya na wala na rin daw ang itong karelasyon.
“Bago nagsimula ‘yong maraming trabaho namin, I told Anthony that I broke up with my ex. And he also say the same thing,” saad ni Maris.
“Mind you, I was in a very lonely place. I was so lonely. And I was so vulnerable at that time. Like everybody na kaka-break lang, you would be so vulnerable. I was working every day. At sa lahat ng trabaho na ‘yan, kasama ko si Anthony,” wika niya.
Dagdag pa niya, “Aaminin ko, sa araw-araw na punta trabaho namin, nahulog din ‘yong loob ko. He would be very sweet to me. He would be such a gentleman to me. He would say things to me. He would tease me on the set in front of other people. He would tell all the people who were close to me that he was single.”
Kaya naman buo raw ang loob ni Maris na maging komportable kay Anthony dahil alam umano ng mga taong nakapaligid sa kanila na walang sabit ang huli.
Matatandaang matapos kumpirmahin ni Maris ang hiwalayan nila ni Rico sa isang press conference noong Hulyo ay sinabi niyang wala raw kinalaman dito si Anthony.
MAKI-BALITA: Anthony Jennings, walang kinalaman sa hiwalayang Rico-Maris
Pero sa kabila nito, humingi pa rin ng tawad si Maris sa nangyari dahil sa umano’y pagsira niya sa relasyon ng ka-loveteam niya.