Nagbahagi ng saloobin ang award-winning actor na si John Arcilla matapos ilahad ni “Incognito” star Maris Racal ang kaniyang panig kaugnay sa isyung kinasangkutan nila ni Anthony Jennings.
Sa Facebook post ni John nitong Biyernes, Disyembre 6, sinabi niyang wala raw kailangang patawarin sa tatlo dahil wala naman umanong kasalanan ang mga ito sa publiko.
Matatandaang sa isang bahagi ng eksklusibong panayam ng ABS-CBN News sa pareho ring araw ay nag-sorry si Maris sa pagkalantad ng kaniyang intimate side matapos ang pasabog ng ex-jowa ni Anthony.
MAKI-BALITA: Maris sa kaniyang very intimate side: 'Gano'n talaga ako 'pag nagbibigay ng pagmamahal'
“They did what they did at that time because that is what THEY THOUGHT are the BEST THINGS to do nung tumatawid sila sa pagkakataong iyon AT ITO NGA ANG NAGING RESULTA. We LEARN our lessons in many ways,” saad ni John.
“Mga bata pa sila, dumaan din naman tayo sa ganyan. Sa mga hindi pa eh PUNYETA na lang pag di pa kayo TUMINO,” wika niya.
Dagdag pa ng award-winning actor, “I am sure we all learned our lessons. Huwag na tayong mag matigas sa kwentong hindi atin. Sila ang gagawa ng ending nito.”
Kaya naman hinimok niya ang publikong mag-move on na at alagaang na lang mabuti ang resulta ng bawat ginagawa.
“Sa totoo lang mahal natin ang mga batang ito. Nasasaktan tayo na makitang nasasaktan sila. Sabi nga ‘ALL’s WELL THAT ENDS WELL.’ Let us wish everyone a good life,” pahabol pa ni John.
Bukod dito ay nauna na ring nagbigay ng reaksiyon si John tungkol sa umano’y private convo na nabasa niya kamakailan.
MAKI-BALITA: John Arcilla, ayaw manghusga; na-awkward sa nabasang convo