Nagbigay ng reaksiyon ang award-winning actor na si John Arcilla kaugnay sa nabasa umano niyang private conversation.
Sa Facebook post ni John nitong Huwebes, Disyembre 5, sinabi niyang ayaw daw niyang manghusga sa kaniyang nabasa.
“Nagsisimula pa lang ako NAKARAMDAM NA AKO NG HIYA SA SARILI KO Bat ba ako nagbabasa ng isang private na convo? Sabihin ng OA, pero AWKWARD yung pakiramdam,” saad ni John.
Kaya naman, hindi na raw niya nagawa pang ituloy pa ang pagbabasa bagama’t hindi naman niya sinasabing mali kung natapos basahin ninuman ang kabuuan ng nasabing private conversation.
“ITO LANG ANG HINDI KO MAINTINDIHAN,” pagpapatuloy niya. “Bakit hindi Binura? May mali eh. Anong Pakay? Parang may plano, parang may Hindi magandang balak.”
“TAENA NAMAN. Lahat naman tayo dumaan sa pagkabinata pero Hindi ko ma-KUHA na habang may tino-torture kang GF dahil binigyan mo naman ng access sa CP mo (?) sa isang banda May ine-expose ka or may balak ka naman i-Blackmail na isa pang babae (?) Parang nasa gitna ng PAG EXPOSE at kunwaring PAG GASLIGHT (?) Parang mayroong laro eh,” aniya.
Dagdag pa ni John, “Sana mali ako. Pero kung tama ako. May kabastusan yung motibo. Ibang Klaseng mag-trip. May hindi rin sina-alang-alang yung 3rd party, bad trip din yon - pero tingin ko lang mukang may isang Kolokoy na nag take advantage ng LAHAT with confidence and a disguise of being Cool?”
Bagama’t walang binaggit na pangalan, tila ipinapagpalagay ng mga netizen na ang post ng award-winning actor ay tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Maris Racal at Anthony Jennings. Narito ang ilang komento:
"Kung ako po kay mariz iwanan na nia si anthony"
"Tapus kay maris lahat napunta ang kawalang hiyaan tas si boy mag sosory nalang keso ganito ganun bat dina delete ending ok sila ulit. At maghiwalay din pag nag sawa si boy"
"Very well said.."
"I’m not saying na tama si Maris, mas gigil lang ako sa mga NAGPAPALANDI kesa sa malandi. You can find kalandian naman everywhere, nasa tao ‘yun kung magpapalandi siya o hindi. ‘Yun lamang po at maraming salamat!"
"Sa tingin ko lang po ha? Sinadya ni Anthony na di idelete yung convo nila ni Maris para mabasa talaga ni jam dahil siguro ayaw nya ng mag explain kay jam...at nag tiwala sya na mananahimik si jam..."
"Agree ako kaso dapat inisip ni maris na mali yung ginagawa nya .. alam nya na ang tama at mali .. ginawa nya pa din ang mali kahit alam nya pagkakamali din"
Matatandaang nagsimula ang isyung ito matapos isiwalat ni Jam Villanueva ang mga ebidensya ng umano’y pagtataksil ng ex-partner niyang si Anthony.
MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings