Naglabas na rin ng pahayag ang “Incognito” star na si Anthony Jennings hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya kasama si Maris Racal.
Sa isang video message na inilabas ng Star Magic at ABS-CBN News nitong Biyernes ng gabi, tanging pagso-sorry ang binitiwang mga salita ni Anthony, lalo na para kay Maris at ex-jowang si Jam Villanueva.
“Sa lahat po ng mga nangyari noong mga nakaraang araw. Sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko especially sina Maris at Jam, humihingi po ako ng tawad sa dalawang babae. And sa lahat po ng mga nadamay ko rin po. Yun lamang po, sorry po ulit,” saad ni Anthony.
Ang nasabing pahayag ni Anthony ay ilang mga oras matapos magsalita ni Maris sa pamamagitan ng isang eksklusibong panayam ng ABS-CBN News.
MAKI-BALITA: Maris, inamin kay Rico ang nararamdaman kay Anthony bago nakipaghiwalay
MAKI-BALITA: Maris Racal, aminado sa ginawang pagkakamali: 'I'm lonely and getting attention from Anthony'
MAKI-BALITA: Maris, nahulog ang loob; 'di alam na may jowa pa si Anthony
MAKI-BALITA: Maris sa kaniyang very intimate side: 'Gano'n talaga ako 'pag nagbibigay ng pagmamahal'
Matatandaang nagsimulang putaktihin ng mga netizen sina Maris at Anthony matapos isiwalat ng ex-partner ng huli ang ginawang pagtataksil nito.
MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings