Nakatanggap ng payo ang dating partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza matapos niyang i-flex ang mga nakamit niyang tagumpay sa buhay.
Sa isang Instagram post kasi ni Trina kamakailan, inihayag niya kung gaano siya nagpapasalamat sa kaniyang pamilya at mga kaibigang nagpaabot ng suporta sa kabila ng kaniyang pinagdadaanan.
“2024 has been a year of lessons—some easy, others not so much. Grateful for every single one,” saad ni Trina sa caption.
Sey ng isang netizen, “Nakakaproud despite sa mga pinagdaanan mo you stand alone, ikaw ung sinayang....be contented din isama lagi c Lord at ingat din s mga tinatanggap na endorsement para d magaya s nanay na wais, dami n din siyang business pero dapat maging kuntento na din tau s buhay Kung ano meron tau.. .”
“Proud of you, ang sarap iflex ang success at hardwork but be careful because ang dami inggit, minsan hindi sila happy sa success ng iba at tinutulak sila pababa. And look what hapoened to neri,” komento naman ng isa.
Pero tugon ni Trina, “There will always be people like that. But I see those people na hindi talaga masaya sa buhay nila.”
Matatandaang nauna nang ibinalita ni showbiz insider Ogie Diaz sa kaniyang showbiz-oriented vlog na “Showbiz Updates” ang tungkol sa pagkakadakip ni Neri Naig dahil umano sa paglabag sa Republic Act (RA) 8799 Section 8, o may titulong "Registration of Brokers, Dealers, Salesmen and Associated Persons" ng Security of Exchange Commission o SEC.
MAKI-BALITA: Misis ni Chito Miranda na si Neri Naig Miranda inaresto?
Pero sa kasalukuyan, nakalaya na si Neri dahil pinagbigyan ng korte ang motion to quash sa isinilbing warrant of arrest kay Neri.