Muling naglabas ng umano’y maiinit na detalye ang social media personality na si Xian Gaza tungkol sa kumakalat na “cheating issue” daw ng Kapamilya love team na sina Anthony Jennings at Maris Racal.
Sa pamamagitan ng Facebook live noong Miyerkules, Disyembre 4, 2024, tahasang iginiit ni Xian na wala raw alam ang ex-boyfriend ni Maris na si former Rivermaya vocalist Rico Blanco sa mga naging panloloko raw nito sa kaniya.
“Kung paano mina-manipulate ni boy cheater ang kaniyang ex-girlfriend, kung paanong gina-gaslight at pinapaikot-ikot, mas malala ang ginawa ni girl cheater kay Rico Blanco!” saad ni Xian.
Matatandaang kumalat sa social media ang naturang cheating issue matapos isiwalat ng ex-girlfriend ni Anthony na si Jam Villanueva sa kaniyang Instagram story noong Martes, Disyembre 4, ang umano’y mga intimate screenshots daw ng palitan ng mensahe ng Kapamilya actor at ni Maris, habang sila ay magkarelasyon pa.
KAUGNAY NA BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings
Bunsod nito, ay tila hindi naiwasan ng netizens na ungkatin muli ang naunang hiwalayan ni Maris at Rico, kung saan hula nila, ay may kinalaman pa rin daw kay Anthony. Kaya naman sa nasabing FB live, may nilinaw si Xian.
“Hindi niya alam! Nag-break sila sa kadahilanang gusto na mag-settled down nung matanda eh,” giit ni Xian.
Diretsahang isiniwalat din ni Xian ang umano’y timeline daw ng palihim na ugnayan ni Maris at Anthony na ayon sa kaniya ay mula raw sa “legit source” niyang hair and make-up artist.“Timeline of the affair, base sa ating legit source na hair and make-up artist (HMUA), timeline. Mayroon silang series, I'm not quite sure what the series all about but what I'm sure about, pinapaikot-ikot ko lang, basta ang alam ko lang, nagshu-shoot pa lang sila may pompyangan nang nagaganap. Mayroon ng lihim na pagtatagpo na nagaganap behind Rico,” ani Xian.
Dagdag pa niya, matagal na raw na may intimacies na nagaganap sa pagitan nina Maris at Anthony.
“Mayroon ng mga intimacies na nagaganap outside the camera. In short sila pa ni Rico, sila pa nung ex-girlfriend, nagsisimula pa lang shoot or in the middle, may affair na. Confirmed,” dagdag ni Xian.
Samantala, sa kabila nang mainit na pagkalat ng nasabing “cheating issue” na ikinakabit sa kanila, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang kampo nina Maris at Anthony upang pabulaanan o patotohanan ang nasabing mga alegasyon.