Inanunsyo ng isang kompanya na inihihinto na nila ang kanilang partnership sa Kapamilya actress na si Maris Racal, ilang araw matapos ang pagsabog ng kontrobersiya patungkol sa kaniya.
Sa Instagram post ng "Dazzle Me Philippines" nitong araw ng Huwebes, Disyembre 5, naglabas sila ng isang opisyal na pahayag na nagsasabing hindi na nila endorser si Maris Racal.
Batay sa inilabas na opisyal na pahayag ng kompanya, Huwebes, Disyembre 5, naging mahirap para sa kanila ang pagtanggal kay Maris subalit kinailangan nila itong gawin dahil nais nilang maging consistent sa kanilang prinsipyo bilang brand.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"i will support your brand for taking such action that will affect your product if you tolerated MR."
"bold boundless and beautiful move "
"Kudos to every team involved in this decision for handling this well"
"Thank you for choosing deceny and integrity. Never heard of this brand before but I'll try supporting their products from now on. "
Kaugnay pa rin ito sa pagsisiwalat ng ex-girlfriend ni Anthony Jennings na si Jam Villanueva, sa umano'y cheating nito kay Maris, habang magkarelasyon pa sila.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Maris tungkol sa isyu.