January 24, 2026

Home BALITA National

Amihan, shear line patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA

Amihan, shear line patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy pa ring nakaaapekto ang northeast monsoon o amihan at shear line sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Disyembre 5.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdudulot ang malamig na hanging amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang mahihinang pag-ulan sa Batanes.

Inaasahan namang magdudulot ang shear line, o ang linya kung saan nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin, ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, at mga natitirang bahagi ng Cagayan Valley. Pinag-iingat ang mga residente sa mga lugar dito dahil sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang makararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms. Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga lugar dito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

National

Mahigit 1.3M pasyente, walang binayaran dahil sa ZBB noong 2025!—DOH

Sa kasalukuyan ay wala namang namamataan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).