Handog ng isang veterinarian ang libreng kapon para sa mga pusa na may pangalang "Maris" at "Anthony."
Sa Facebook page na Doc Gab-Veterinarian, ibinahagi nito ang kanilang pa-Christmas promo ngayong December.
"Christmas promo! Libreng kapon buong December sa mga pusa na may pangalang 'Maris' at 'Anthony'," saad ng page.
Dagdag pa nito sa comment section, "NOTE: Kailangan po magpakita ng patunay na ‘Maris’ at ‘Anthony’ ang matagal ng pangalan ng pusa ninyo."
Samantala, sa mga nais ipakapon ang alaga nilang "Maris" at "Anthony" ang pangalan, i-register lamang sila sa mga link na ito at upang malaman pa ang iba pang detalye.
Matatandaang nito lang Disyembre 3 ng gabi, umingay ang pangalang "Maris" at "Anthony" dahil sa mga pasabog ni Jam Villanueva, kung saan inilabas niya ang umano'y mga screenshots ng "landian" na pag-uusap ng kaniyang ex-boyfriend na si Anthony Jennings at katambal nitong si Maris Racal, na naging dahilan daw ng kanilang hiwalayan.