Kabilang ang pangalan ni “It’s Showtime” host Karylle sa mga trending na pangalan sa X (dating Twitter) matapos isiwalat ni Jam Villanueva ang umano’y pagtataksil ng ex-partner nitong si Anthony Jennings.
Ayon kasi sa mga netizen, tila may pagkakapareho raw sina Jam at Karylle pagdating sa relasyon ng huli noon kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Narito ang ilan sa mga post:
"I think it’s time for Karylle to speak her truth. Ganyang ganyan din sina Marian Rivera at Dingdong Dantes dati. Sumikat lang sa Marimar iniwan na agad si Karylle at Ervic Vijandre. Kung may screenshots ka pa diyan Karylle, ilabas mo na trewww."
"Hindi ko nagugustuhan itong tono ng mga praises kay Kathryn and Karylle na dahil hindi nagsalita kasi class act, unbothered, hindi patolera, etc. I dont disagree pero ang distasteful? Ang sinasabi niyo is Jam should have remained silent? Kasi balahura kapag magsalita?"
"I really like Dingdong and Karylle dati..then nung nag break sila, of course, it's bcoz of Marian..That's why i never liked Marian..she's also a homewrecker.."
"I have a strong feeling na hindi lang nagsalita sina Kath at Karylle noon kasi masyadong powerful ang mga nasa itaas ng network at inutusan sila tumahimik, and they have a contract with the network to uphold."
"please leave karylle alone. jusko every cheating/break up issue lagi niyong dinadamay for laughs yung nangyari 15 years ago and everytime, some people share THAT false narrative that was debunked for multiple times already at ang ending tuloy siya pa ang masama."
"Never forgetti how ppl bashed Karylle when it should have been those cheaters. Ilabas ang diary ni Karylle chz"
"Pwera kay Kath. Si Karylle & Dingdong ang hindi ko makalimutan break up. Kasi grabe din talaga ang iyak nya on national tv. And kahit happily married na si Dong at Marian. Nakakatatak na din sa kanila yung paano sila nagsimula. Karylle and Dong din paano sila nag start?"
"You're saying Karylle should speak up about her past with Marian, Dingdong, and Ervic, especially if she has receipts. It’s time to set the record straight."
Matatandaang bago pa man dumating sa buhay ni Dingdong ang misis niyang si Marian Rivera ay naging bahagi muna ng buhay niya si Karylle.
At ayon sa hinala ng marami, si Marian umano ang dahilan ng hiwalayan nina Karylle at Dingdong noong magkarelasyon pa lamang ang dalawa.