December 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

#BaliTanaw: Ang break-up statements nina Maris at Anthony sa mga ex-jowa nila

#BaliTanaw: Ang break-up statements nina Maris at Anthony sa mga ex-jowa nila
Photo courtesy: Maris Racal (IG)/Jam Villanueva (IG)

Puyat ang mga marites nitong gabi ng Martes, Disyembre 3 matapos maglabas ng pahayag at screenshots ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings na si Jam Villanueva, patungkol sa umano'y namagitan sa kanila ng kaniyang katambal na si Maris Racal.

Nitong gabi ng Martes, Disyembre 3, isiniwalat ni Jam sa kaniyang Instagram stories ang ilan sa screenshots ng umano'y intimate na pag-uusap nina Anthony at Maris, na noong una raw ay pinalagpas lamang niya dahil sa excuse daw ng ex-jowa na parte lamang ito ng "method acting" dahil nga magkatambal sina Anthony at Maris.

MAKI-BALITA: Jam Villanueva, may mensahe sa mga kapuwa babae: 'Don't be like me'

MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings

Relasyon at Hiwalayan

Karylle, pinagsasalita sa hiwalayan nila noon ni Dingdong

MAKI-BALITA: Jam Villanueva, may pa-cryptic post bago ang pasabog

Matatandaang nabuo ang tambalan nina Maris at Anthony dahil sa on-screen chemistry nila sa seryeng "Can't Buy Me Love," bilang "SnoRene," at ngayon nga, binigyan ng pangalan ang tambalan nila bilang "MaThon."

Saad ni Jam sa kaniyang paunang mensahe, ginawa niya ang pagsisiwalat ng kaniyang panig upang ilabas ang kaniyang katotohanan tungkol sa mga nangyari sa pagitan nila ni Anthony, na nagsasangkot nga kay Maris. Bukod dito, nadamay na rin daw ang kaniyang pamilya pati na ang pribadong buhay.

Dahil dito, binalikan ng mga netizen ang naging mga pahayag nina Maris at Anthony tungkol sa dahilan ng break-up nila sa kani-kanilang mga ex-partners.

Ayon kay Maris noong Hulyo 12, 2024, nagtapos na ang limang taong relasyon nila ni Rivermaya lead vocalist Rico Blanco, at nilinaw niyang walang kinalaman dito si Anthony.

"We were always on the same page. Always on the same page. But I don’t know what happened to me. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life,” saad ni Maris, sa isang media conference.

"I had visions of who I wanted to become; how I wanted to evolve. I’m so curious about the world. The truth is I’m going through changes. But what I hate about changes is that are inevitable. Hindi mo siya matatakasan. And wala ka nang gagawin kundi to face it and confront it..."

"It was so difficult, but it was a very polite separation. And to the very end of our relationship, it was still full of love, full of understanding. And Rico is one of a kind... Anthony is out of the picture... It's mainly me and Rico. Mainly me, I'm the issue..." aniya.

MAKI-BALITA: Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?

Noong Nobyembre 30 naman, sa media conference para sa action series na "Incognito" kung saan magkasama ang dalawa, inamin naman ni Anthony na hiwalay na talaga sila ni Jam, at nilinis niya ang pangalan ni Maris na wala umanong kinalaman sa break-up nila dahil magkaibigan lang sila.

"Yes, hiwalay na kami. Ngayon ko lang din sasabihin kasi months ago na kaming hiwalay ni Jam. Si Jamela naman kasi hindi naman siya artista so kini-keep kong pribado 'yong personal. Ako 'yong may pagkukulang do'n. Problema ko 'yon and dapat ko 'yon ayusin mag-isa... si Maris, magkaibigan lang po kami..." aniya.

MAKI-BALITA: Anthony umaming hiwalay na sa jowa, may iginiit tungkol kay Maris

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawa sa mga isyung kinasasangkutan nila ngayon, gayundin ang ABS-CBN.