April 21, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anthony Jennings, hindi raw nag-delete ng convo kaya nahuli sey ni Xian Gaza

Anthony Jennings, hindi raw nag-delete ng convo kaya nahuli sey ni Xian Gaza
photo courtesy: Xian Gaza/FB, Anthony Jennings/IG

"Tine-treasure ata every moment."

Ito ang saad ng social media personality na si Xian Gaza kaugnay sa mga resibong inilabas ni Jam Villanueva tungkol sa "landian" na pag-uusap ng ex-boyfriend nito na si Anthony Jennings at katambal nitong si Maris Racal.

BASAHIN: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings

Sa isang Facebook post, sinabi ni Gaza na may lesson daw na mapupulot sa issue nina Maris at Anthony. 

Tsika at Intriga

Namash-up din? Ate Gay, sinabihang 'RIP'

"Ang lesson na mapupulot natin sa Maris Anthony issue: Yang partner mo, kesyo lalaki pa yan o babae, nagchi-cheat din yan. Pramis," anang social media personality. 

Dagdag pa niya, "Ang kaibahan lang eh magaling siyang magtago at mabilis mag-delete ng mga convo kagaya ni Maris."

Sa comment section sinabi rin ni Gaza na kaya raw nahuli si Anthony dahil hindi raw ito nagde-delete ng convo. 

"Si Anthony hindi nagde-delete eh. Tine-treasure ata every moment. Ayan tuloy," aniya.

Kasunod nito tila nagpayo pa siya sa mga netizen na mag-delete ng conversation history. 

"Pagka-send na pagka-send ng message, delete dapat agad buong history."

Matatandaang bahagi ng screenshot na inilabas ni Villanueva, makikita na sinabi umano ni Maris kay Anthony na baka puwede na sila mag-delete ng messages.

"Can we delete msgs. Screenshots [?]," saad umano ni Maris. 

"...Yes hate ko delete pero sige," sagot naman umano ni Anthony.

"Ako rin but gets mo ba," pabalik na reply umano ni Maris.

BASAHIN: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings