February 05, 2025

Home SHOWBIZ

Rufa, nagsalita na; itinanggi ang kasong ibinibintang sa kaniya

Rufa, nagsalita na; itinanggi ang kasong ibinibintang sa kaniya
Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto (FB)

Nagsalita na ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto kaugnay sa mga kasong isinampa sa kaniya dahil sa paglabag umano sa Section 8 of the Securities Regulations Code

Sa inilabas na pahayag ng abogado ni Rufa nitong Martes, Disyembre 3, pinabulaanan ng komedyante ang mga kasong ibinibintang sa kaniya.

“I have no connection whatsoever to any fraudulent activity and I categorically deny these baseless accusations. If anything, I am also a victim and I am determined to seek justice,” saad ni Rufa.

“Over the years, I have worked tirelessly to build my career and maintain my untarnished reputation, which is rooted in integrity and dedication,” aniya.

Vice Ganda kay Max Collins: 'Mabubulok ka rin!'

Dagdag pa ng komedyante, “I have always demonstrated professionalism, transparency, and respect for the people and brands I work with.”

Kaya naman nalulungkot daw si Rufa na nadadawit ang kaniyang pangalan sa ganitong klaseng isyu. Gayunman, buo raw ang loob niyang lalabas pa rin ang katotohanan kalaunan.

“I will cooperate fully with the authorities and face this issue through the proper legal forum. Rest assured, I will fight for my name and reputation,” sabi pa niya.

Sa huli, pinasalamatan ni Rufa ang mga nagpaabot sa kaniya ng pagmamahal at suporta sa kabila ng nangyari.

Matatandaang nauna nang lumutang ang tsikang ito tungkol kay Rufa sa “Showbiz Updates” ng showbiz insider na si Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Ispluk ni Ogie: Rufa Mae Quinto, Manny Pacquiao sinilbihan ng warrant of arrest?