Kinumpirma ng abogado ni Rufa Mae Quinto na si Atty. Mary Louise B. Reyes na totoo raw na sinilbihan ng mga warrant of arrest ang kaniyang kliyente.
Sa ulat ni Mav Gonzales sa State of the Nation nitong Lunes, Disyembre 2, sinabi ni Reyes na 14 counts of violation sa Section 8 of the Securities Regulations Code ang hinaharap ni Rufa.
Gayunman, bailable naman daw ang naturang kaso. Bukod dito, tiniyak din ng abogado na haharapin ni Rufa ang kaso at susuko sa mga opisyal.
“She’s worried kasi nga hindi naman totoo ‘yong mga allegation sa kaniya. [...] Ni hindi sa kaniya nakapagbayad ng downpayment tapos ‘yong mga tseke po is puro din tumalbog,” saad ni Reyes.
Matatandaang nauna nang lumutang ang tsikang ito tungkol kay Rufa sa “Showbiz Updates” ng showbiz insider na si Ogie Diaz.
MAKI-BALITA: Ispluk ni Ogie: Rufa Mae Quinto, Manny Pacquiao sinilbihan ng warrant of arrest?
Samantala, sa sumunod namang episode ng nasabing showbiz-oriented vlog, itsinika rin ni Ogie na isang malapit umano kay Rufa ang nagsabing tila kaduda-duda raw ang pagkakadawit nito sa isyu dahil endorser lang din naman umano ang komedyante at hindi naglikom ng pera para magpapasok ng mga investor.
MAKI-BALITA: Ogie may nilinaw sa pagkakasangkot nina Manny, Rufa sa isyu ng skincare company