December 05, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

'Hello, Love, Forever!' KathDen fans, humihirit na ng part 3 ng pelikula

'Hello, Love, Forever!' KathDen fans, humihirit na ng part 3 ng pelikula
Photo courtesy: Star Cinema (FB)

Pinag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang showbiz-oriented radio program ang tungkol sa huge success ng "Hello, Love, Again" nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ayon kay Cristy, tila mahihirapan na raw ang mga magtatangkang habulin o matalo ito dahil sa bilyong pisong kinita nito worldwide, at inaasahan pa raw na aabot sa dalawang bilyon ang kita nito matapos ma-extend sa iba't ibang mga sinehan, at madagdagan pa ang mga bansang posibleng mapanood ito.

Pinuri naman ng dalawang hosts ang KathDen dahil alam daw nila ang humility at kabutihan ng puso nila kaya sila nagtatagumpay; huwag lang daw sanang kainin ng pera at kasikatan sa kaisipan para hindi mabago.

May fans na raw na humihirit na sana ay matuloy ang tsikang baka mag-collab ang ABS-CBN at GMA Network sa pagpi-produce ng teleserye para sa kanilang dalawa, na naging posible naman matapos nilang mag-collaborate sa seryeng "Unbreak My Heart" kasama pa ang Dreamscape Entertainment.

Pelikula

FPJ, balik-GMA na!

O kung hindi naman daw, sana may part 3 pa raw ang "Hello, Love, Goodbye" na ang tinawag pa nga ni Cristy ay "Hello, Love, Forever," ayon na rin sa mga lumulutang na posibleng titulo ng part 3 mula sa netizens, kung sakali ngang matuloy.

Ang iba naman, kung hindi na durugtungan ang kuwento ng HLA, maski ibang pelikula na lang daw sana. Marami kasi ang nanghihinayang sa nabuong tambalan pagkatapos ng "KathNiel."

Well, wala pang kumpirmasyon mula sa Star Cinema at GMA Pictures kung isa sa kanila ang magpo-produce ulit ng pelikula para sa KathDen.