May 18, 2025

Home SHOWBIZ

Nadine Samonte, masaya ang puso sa natanggap na parangal

Nadine Samonte, masaya ang puso sa natanggap na parangal
Photo Courtesy: Nadine Samonte (IG)

Masayang ibinahagi ng Kapuso actress na si Nadine Samonte ang natanggap niyang award bilang Most Iconic Actress of the Year.

Sa latest Instagram post ni Nadine nitong Sabado, Nobyembre 30, pinasalamatan niya ang The Rising Filipino Awards para sa naturang parangal.

“Ang importante mern pa din naniniwala skin Salamat po sa The Rising Filipino awards sa award na binigay nyo po skin,” saad ni Nadine.

Dagdag pa niya, “Sobrang saya po ng puso ko.”

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Nagpaabot naman ng kani-kanilang papuri at pagbati ang mga netizen para kay Nadine. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Congrats!! "

"Congrats, Ms Nadine! You deserve all the success! "

"Congratulations, Ate Nadine. Deserved "

"Always pretty, you’ll never go out of style, Ms. Nadine! "

"grabe barbie"

"So pretty!!!! And Congratulations!"

Matatandaang nakilala si Nadine sa mga karakter na ginampanan niya sa “Super Twins,” “Captain Barbell,” at “The Sisters” at marami pang iba. 

Sa kasalukuyan, bahagi siya ng family drama series na “Forever Young” ng GMA Network.

Congrats, Nadine!