Ibinahagi ng dating beauty queen na si Miriam Quiambao ang sinapit ng marriage nila ng kaniyang Italian ex-husband.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Miriam na ipinagpalit daw siya ng dating mister sa mas batang Brazilian model.
“I met this Italian, he pursued me, he proposed. And of course, he was my dream man. So, I said yes and he swept me off my feet,” saad ni Miriam.
“We got married in Boracay. I left everything and moved to Hong Kong. But after two and a half years, I found myself heart broken,” wika niya.
Dagdag pa ng beauty queen, “He fell in love with a much younger Brazilian model.”
Kaya naman, labis daw ang naging galit ni Miriam dahil sa nangyari. Pero hindi na raw niya kinompronta pa ang asawa.
Nang alukin si Miriam ng dating mister na mag-divorce ay pumayag na rin daw siya dahil kung mananatili pa siya sa relasyon nilang dalawa ay parang ikamamatay niya.
Aniya, “Ayaw kong iwan ang relationship na ito kasi ako ang legal wife at gusto kong ipaglaban pero dahil sobrang sakit nito, kailangan ko ng support ng parents ko. Kaya ako umuwi. Pero ayaw niya akong pabalikin [sa Hong Kong].”
Pero sa kasalukuyan, masaya na si Miriam sa piling ng kasalukuyang asawa na si Eduardo Roberto, Jr.