December 01, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Sue Ramirez, may inamin tungkol sa kanila ni Dominic Roque

Sue Ramirez, may inamin tungkol sa kanila ni Dominic Roque

Mabilis na nagbigay ng pahayag ang aktres na si Sue Ramirez patungkol sa iniintrigang relasyon umano nila ng aktor na si Dominic Roque.

Sa TikTok account ng showbiz news insider na si Rose Garcia Fabregas na isa sa mga host ng entertainment vlog na "Marites University," hinabol niya ang nagmamadaling si Sue para tanungin tungkol sa relationship status nila ni Dom.

Kahit halatang nagmamadali sa kaniyang pupuntahang event ay naging maiksi ngunit malaman ang naging sagot ng nakangiti pa ring si Sue.

"Basta I'm happy, we're enjoying each other's company, that's all I can say for now," anang Sue.

Relasyon at Hiwalayan

Anthony umaming hiwalay na sa jowa, may iginiit tungkol kay Maris

Matatandaang naging usap-usapan ang isang video kung saan makikitang naghahalikan sa isang bar sa Siargao sina Sue at Dom.

Bukod dito, ilang sightings na rin ang nagkukumpirmang magkasama nga ang dalawa. May tsika pa ngang bumalik sa Maynila si Dominic para lang dumalo at manood sa premiere night ng "Hello, Love, Again" ng kaibigang si Kathryn Bernardo, pagkatapos ay muli siyang bumalik sa Siargao para daw muling makasama si Sue.

Ayon naman sa tsika ni Ogie Diaz, kinumpirma raw ng kaniyang source na mag-jowa na raw ang dalawa.

MAKI-BALITA: Sue at Dominic, mag-jowa na raw: 'Para mag-kiss na kayo, something is happening!'