Nagpaabot din ng pagbati si House Speaker Martin Romualdez para sa ika-161 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio nitong Sabado, Nobyembre 30, 2024.
Sa kaniyang opisyal na Facebook page, nagpaalala ang House Speaker sa taumbayan hinggil sa umano’y pinagdaraanan ng bansa kung saan ang demokrasya at prinsipyo daw nito ay sinusubukan, kaya iginiit niyang alalahanin daw ng mga mamamayan ang naging buhay ni Bonifacio para sa Pilipinas.
“In these challenging times, when the principles of democracy and good governance are put to the test, let us draw inspiration from Bonifacio's bravery and steadfast commitment to the truth,” anang House Speaker.
Dagdag pa niya, ang pamumuno raw ay hindi lamang tungkol sa pagiging malakas, bagkus ay sumasaklaw din umano sa pagkakaroon ng respeto para sa iba.
“His life reminds us that genuine leadership demands not just strength, but also respect for others and a deep sense of responsibility to uphold the greater good,” ani Romualdez.
Matatandaang kamakailan lang ay mas lalong lumalala ang hidwaan sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kampo ni Vice President Sara Duterte na ayon sa Pangalawang Pangulo ay dahil umano sa pang-aatake ng administrasyong Marcos Jr. sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez
Nauna naman itong pabulaanan ng House Speaker at muling pinaalalahan ang kapuwa niya mga mambabatas na samahan daw siya na ipagtanggol ang kredibilidad ng Kongreso laban umano sa mga walang basehang pahayag ng Bise Presidente.
KAUGNAY NA BALITA: Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'
Samantala, nabanggit din ni Romualdez sa kaniyang naturang pagbati para sa kaarawan ni Bonifacio, muli niyang hinimok ang taumbayan na iwaksi daw ang takot at pagkakaisa para umano sa espiritu ng bayanihan ng bansang may kapayapaan at hustisya para sa lahat.“Let us reject fear, division and discord and instead work together in the spirit of "Bayanihan" to build a nation grounded on peace, justice and prosperity for all,” saad ni Romualdez.
Dagdag pa ng House Speaker, habang sinusubukan daw ng bansa na malampasan ang hamong kinahaharap nito, magsilibing paalala daw umano ang naging buhay ni Bonfiacio upang mas magkaisa pa raw ang taumbayan sa pagtatanggol ng demokrasya.
“As we commemorate Bonifacio's legacy, may his patriotism inspire us to remain vigilant, principled and united as we navigate these turbulent times. Together, let us honor his memory by safeguarding the democracy and freedom he fought so valiantly to achieve,” giit ni Romualdez.