Nagpaabot ng kani-kanilang suporta ang mga celebrity para sa misis ni Parokya Ni Edgar lead vocalist Chito Miranda na si Neri Naig.
Matatandaang ayon sa Southern Police District, nahaharap umano si Neri sa 14 counts ng violation of Securities Regulation Code at estafa case.
MAKI-BALITA: Southern Police District, kinumpirmang may dinakip na aktres na alyas 'Erin'
At kamakailan nga lang ay binasag na ni Chito ang kaniyang pananahimik kaugnay sa isyung kinasangkutan ng kaniyang misis.
Sa isang bahagi ng kaniyang Instagram post, sinabi ng lead vocalist na hindi raw kailanman nanloko at nanlamang sa kapuwa si Neri.
“Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa. Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man. Alam ng lahat yan. Tulong lang sya ng tulong hangga't kaya nya,” saad ni Chito.
MAKI-BALITA: Chito, nagsalita na sa kaso ng kaniyang 'wais na misis': 'Never nanloko si Neri!'
Makikita naman sa comment section ng naturang post ang mga pahayag ng pagsuporta ng mga kapuwa nito celebrity para sa kaniya. Narito ang ilan:
Yasmien Kurdi: "Praying for the whole family kapit lang!"
Joross Gamboa: "Malalagpasan ninyo ang pagsubok na eto in Jesus Name "
Mikey Bustos: "Praying for you and the family! You will get through this. "
Frankie Pangilinan: "Praying for you and the family! You will get through this. "
Rita Avila: "Alam naming mabuting tao si Neri."
Ice Seguerra: "We’re praying with you."
Samantala, nakahanda rin daw tumulong ang dating vice presidential candidate at ngayo'y re-electionist sa pagkasenador na si Atty. Kiko Pangilinan para sa kinakaharap na kaso ng asawa ng kaniyang pamangkin.
MAKI-BALITA: Biktima raw ng tunay na estafador: Atty. Kiko, handang tulungan si Neri sa kaso