Ibinahagi ng celebrity basketball player na si Kobe Paras ang kaniyang plano para sa darating na kapaskuhan sa susunod na buwan.
Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Huwebes, Nobyembre 28, sinabi ni Kobe na umaasa raw siyang makasama ang kaniyang mga magulang, kung hindi naman daw, si Kyline ang makakasama niya.
“I know they're busy, my mom's in Europe, my dad's busy with his side of his family. So hopefully, makasama ko sila, but if not, I'll be with Kyline and her family,” saad ni Kobe.
Hirit pa ni Kobe, “Sana kahit anong lutuin ni Ky makain ko.”
Ayon naman kay Kyline, hindi raw siya marunong magluto. Pero mukha namang handa siyang subukang gawin ito para kay Kobe.
Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma na ng celebrity basketball player sa isang panayam na nasa dating stage na raw sila ni Kyline.
MAKI-BALITA: Kyline haba ng hair, biggest crush ni Kobe: 'We are dating!'