Nakakaloka ang sagot nina VMX sexy actresses Vern Kaye at Aiko Garcia nang tanungin sila kung ano raw ba ang kanilang “forbidden desire.”
Sa ginanap kasing back-to-back media conference sa Tektite East Tower, Ortigas, Pasig City nitong Huwebes, Nobyembre 28, sinabi ni Vern na ang kaniyang forbidden desire daw ay threesome.
“Siguro threesome,” saad ni Vern. “Siguro kung kunwari may jowa ako ngayon tapos ‘yong ex ko.”
Samantala, ang co-star naman niyang si Aiko Garcia ay politiko raw ang forbidden desire. At nang tanungin siya kung sino ang kaniyang crush na politiko, si dating Senator Manny Pacquiao ang binanggit niya.
“Ang dami niyang fans, e. Parang worldwide. So, isa ako do’n,” aniya.
Kaya naman ‘pag nakita raw niya ang dating senador ay tiyak na magpapa-picture siya agad-agad.
Pero tila naiiba naman ang sagot ni Direk GB Sampedro nang tanungin siya tungkol sa kung masarap ba ang bawal.
Ayon sa kaniya, “Sa simula lang ‘yan. ‘Yong lahat ng masarap bawal. Pero siguro ‘pag nagkaroon ka na ng analysis do’n sa sitwasyon, medyo hindi na masarap ‘yon. Kumbaga komplikasyon na ‘yon.”
Napag-usapan ang tungkol sa “forbidden desire” dahil ito ang mismong pamagat ng pelikula nina Aiko at Vern na si Direk GB ang mismong magdidirek.
Magsisimula ang world premiere nito sa online streaming platform na VMX sa darating na Disyembre 13.