November 29, 2024

Home SHOWBIZ

'Bagay daw sa akin:' Ano nga ba ang dream project ni Angelica Hart?

'Bagay daw sa akin:' Ano nga ba ang dream project ni Angelica Hart?
Photo: Ralph Mendoza/Balita

Eksklusibong ibinahagi sa Balita ni VMX actress Angelica Hart kung ano ang dream project niya kung sakaling bigyan siya ng ibang pagkakataon bukod sa madalas na niyang ginagawang GL movies.

Sa ginanap na back-to-back media conference para sa bago niyang pelikulang "Pin/Ya" nitong Huwebes, Nobyembre 28, matagal na raw niyang pangarap gumanap sa romcom at sitcom.

“Actually bata pa lang ako, hanggang sa pagtanda ko, noong nagte-teatro ako…gustong-gusto ko talaga ‘yong sitcom o romcom,” pahayag ni Angelica.

Dagdag pa niya, “Kasi ‘yon ‘yong sinasabi lagi ng tao sa akin na bagay daw sa akin. Kasi ‘pag nasa stage na ako, nagbabago na. Mas iba na ako sa stage kaysa sa pelikula. So, gusto ko ‘yong mga sitcom o romcom.”

Pelikula

Threesome, 'forbidden desire' ni Vern Kaye; Manny Pacquiao, crush ni Aiko Garcia

At nang tanungin ng Balita si Angelica kung bukas ba siya sa posibilidad na magkaroon ng love team in the near future, umoo agad siya.

“Yes, sana,” aniya.

Pero sa ngayon, abangan na lang muna ng fans ang bago niyang pelikulang “Pin/Ya” na mapapanood na sa online streaming platform na VMX simula sa Disyembre 6. 

MAKI-BALITA: Angelica Hart sa lampungan nila ni Candy Veloso sa Pin/Ya: 'Laban na laban kami!'