Ibinahagi nina VMX sexy actress Angelica Hart at Candy Veloso ang aabangang eksena sa bago nilang pelikulang “Pin/Ya” na idinirek ni Omar Deroca.
Sa isinagawang back-to-back media conference sa Tektite East Tower, Ortigas, Pasig City nitong Huwebes, Nobyembre 28, sinabi ni Angelica na laban na laban daw ang sex scenes nila ni Candy.
“Laban na laban kami do’n! Actually, sobra. Lahat ng pinapagawa sa amin ng mga director, ginagawa talaga namin ng walang pag-aalinlangan,” saad ni Angelica.
Ayon naman kay Candy, mas matapang umano ang “Pin/Ya” kumpara sa mga naunang GL movies ng VMX.
“Based on my own observation, sa mga GL ng Vivamax ngayon parang may limit kasi, e. [...] Hindi mo mape-feel ‘yong pagiging GL niya,” wika ni Candy.
Dagdag pa niya, “Pero ‘pag itong ‘Pin/Ya’, ‘pag ito napanood n’yo, dito n’yo mare-realize na, ‘ay oo. Iba nga. Mas matapang.’”
Magsisimula ang world premiere ng nasabing pelikula sa online streaming platform na VXM sa darating na Disyembre 6.