Nagbigay ng pahayag ang re-electionist sa pagkasenador na si Bam Aquino kaugnay sa kaarawan ng namayapa niyang tiyuhin na si Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.
Sa kaniyang X post nitong Miyerkules, Nobyembre 27, nanawagan si Bam na ipagpatuloy ng mga Pilipino ang labang nasimulan ni Ninoy.
“Kung tunay na hustisya ang hinahanap natin para kay Tito Ninoy, ipagpatuloy natin ang mga ipinaglaban niya: isang patas at tapat na lipunan, abot-kayang edukasyon para sa mga kabataan, isang gobyernong walang bahid ng korapsyon, at isang mapayapang bayan na malaya sa banta at karahasan,” saad ni Bam.
Dagdag pa niya, “Ito ang mga ipinaglaban ni Ninoy Aquino na kailangang patuloy pa rin nating ipaglaban ngayon.”
Samantala, bago pa man ito, naglabas ng pahayag ang pamilya Aquino nitong Martes, Nobyembre 26, upang tutulan ang anomang banta ng karahasan.
MAKI-BALITA: Pamilya ni Ninoy Aquino, tinututulan anumang banta ng karahasan o pagpaslang