November 26, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kathryn, 'di bet ng fans ipartner kay Joshua: 'KathDen pa rin!'

Kathryn, 'di bet ng fans ipartner kay Joshua: 'KathDen pa rin!'
Photo courtesy: Joshua Garcia, Kathryn Bernardo (IG)

Napa-react ang fans na netizens ni Outstanding Asian Star at Kapamilya Star Kathryn Bernardo sa balitang sinabi raw ng isa pang Kapamilya Star at isa sa mga A-lister heartthrob ng ABS-CBN na si Joshua Garcia, na dream niyang makatrabaho si Kath, nang makapanayam ang aktor sa ginanap na "Star Magical Christmas Ball" noong Linggo, Nobyembre 24.

Saad kasi ni Joshua, dream job niyang makatrabaho ang "crush" na si Kathryn, na naging kaibigan na rin niya.

MAKI-BALITA: Joshua Garcia, bet makatrabaho ang crush niyang si Kathryn Bernardo

Noong naging housemate si Joshua sa reality show na "Pinoy Big Brother" ay aminado na siyang crush niya si Kathryn. Kaya hindi raw siya makapaniwalang darating sa puntong makakatrabaho niya ito, at magiging kaibigan pa.

Tsika at Intriga

Jonathan Manalo, binira si VP Sara sa pagbanggit kay Ninoy laban kay PBBM

Kasama si Joshua sa pelikulang "Barcelona: A Love Untold" noong 2016 na pinagbidahan nina Kathryn at Daniel Padilla, noong buo pa ang tambalang KathNiel.

Pero sa comment section ng Instagram post ng ABS-CBN News tungkol dito, iba-iba naman ang naging pananaw ng netizens sa posibilidad na maging leading man ni Kath si Joshua, lalo't nasa hype pa ang success ng "Hello, Love, Again" nina Kathryn at Alden Richards, na itinuturing ngayong highest-grossing Filipino movie of all time at kauna-unahang pelikulang Pilipino na kumita ng bilyong piso.

"Bagay sila s horror movie bilang magkapatid. Nakaka miss n si kath gumawa ng horror. Galing nya kaya s shake rattle and roll nun. Ayaw ko sila magka work n love interest isat isa. Magkaibigan yan dalawang yan eh."

"Nakisakay c kolokoy..."

"hanap na lang kayo ng iba,nasa mabuting partner na sya para ilipat pa kong kani-kanino..."

"Ayoko solid Kathden, masisira ang chemistry ng Kathden pag partner sa iba si Kath."

"Amacana josh, okay na sila ni alden, iba na lang hihi"

Sa kabilang banda, may mga umaasam naman ding baka posible at bakit hindi subukan, tutal naman ay nasa ilalim sila ng isang home network at talent arm management.

"I really admire Joshua kasi after break up ng KN, mas sumiside ata siya kay Kath. Parang hindi na nga sila nagbobonding kay DJ. Pero since magaling naman si Joshua, why not diba?"

"Yes please They're both amazing Panigurado another blockbuster "

"KathJosh maybe"

"Go Joshua and Kathryn!"

"Yes please"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kathryn tungkol dito.