May makahulugang tanong sa kaniyang Facebook post ang aktres na si Rita Avila na nag-ugat naman sa mga isyung panlipunang kinasasangkutan ng Pilipinas.
Ibinahagi ng aktres sa kaniyang post ang iba't ibang "ranking" ng Pilipinas sa iba't ibang suliranin gaya ng mga bansang highest ocean plastic waste polluter, most dangerous place sa buong mundo ayon sa Forbes magazine, at world's worst airline.
Pang-59 din ang Pilipinas sa 60 na bansang inalam ang work-life balance index.
"Pilipinas ngayon," anang Rita sa kaniyang post nitong Linggo, Nobyembre 24.
"Sino at ano ang sasagip sa mga Pilipino?"
"Tayo-tayo rin. Dasal, isipang at gawaing matino."
Si Rita, bukod sa pagiging artista, ay kilala rin sa pagpapahayag ng kaniyang mga saloobin, opinyon, at kaisipan patungkol sa usaping panlipunan at pampolitika.