November 25, 2024

Home BALITA National

‘Mum and I love you!’ PBBM, binati anak na si Simon sa kaarawan nito

‘Mum and I love you!’ PBBM, binati anak na si Simon sa kaarawan nito
(Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB)

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdianand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kaniyang anak na si Joseph Simon Marcos na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayong Lunes, Nobyembre 25.

Sa isang Facebook post, nagbahagi si PBBM ng mga larawan nila ni Simon mula noong bata pa lamang ito.

Kasama rin sa larawan ang may-bahay ng pangulo na si First Lady Liza Araneta-Marcos.

“I’m looking forward to playing some of our favorite records together. Until then, have the happiest of birthdays, Si!” ani PBBM sa kaniyang post.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

“Mum and I love you,” dagdag niya.

Ipinanganak noong Nobyembre 25, 1995, si Simon ang middle son nina PBBM at FL Liza. Pinagitnaan siya ng panganay na si Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos at bunsong si William Vincent “Vinny” Araneta Marcos.