November 25, 2024

Home SHOWBIZ

Marian, nakasungkit muli ng Best Actress award dahil sa 'Balota'

Marian, nakasungkit muli ng Best Actress award dahil sa 'Balota'
Photo Courtesy: Marian Rivera (FB)

Hindi lang isa kundi dalawa ang nakuhang Best Actress award ni Kapuso Primetime King Marian Rivera dahil sa kaniyang natatanging pagganap sa “Balota” ni Kip Oebanda.

Sa isang Facebook post ni Marian nitong Linggo, Nobyembre 24, ibinahagi niya ang natanggap niyang liham mula sa Rising Filipino Awards 2024 na magbibigay sa kaniya ng nasabing parangal.

Ayon sa liham, kinikilala umano nila ang pagpapalaganap ni Marian ng malikhain at ingklusibong pag-iisip sa loob ng mga komunidad upang makilahok sa pagkamit ng maunlad at matatag na lipunan sa pamamagitan ng pelikulang “Balota.”

Matatandaang nauna nang tanghaling “Best Actress” si Marian sa “Balota” noong Agosto sa ginanap na 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival awards night sa Ayala Malls Manila Bay.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

MAKI-BALITA: 'Bonggang birthday gift!' Marian Rivera, 'Best Actress' sa Cinemalaya 2024

Samantala, ang Rising Filipino Awards naman ay isang award-giving body na naglalayong kilalanin ang kahusayan ng bawat indibidwal na nakakaapekto sa kultura, tradisyon, at lipunang Pilipino.