December 26, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Kathryn, Alden todo-pasalamat sa mga nagpabilyon ng 'Hello, Love, Again'

Kathryn, Alden todo-pasalamat sa mga nagpabilyon ng 'Hello, Love, Again'
Photo Courtesy: ABS-CBN Film Productions, Inc. (FB)

Nagpaabot ng pasasalamat sina Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards para sa suportang natanggap ng pelikula nilang “Hello, Love, Again.”

Sa isang video statement mula sa ABS-CBN Film Productions, Inc. nitong Lunes, Nobyembre 25, sinabi ni Alden na hindi raw nila inaasahang aabot sa mahigit isang bilyong piso ang kikitain ng nasabing pelikula.

“We love you a billion times, guys. Hindi namin in-eexpect na aabot po ng ganito ‘yong gross, ‘yong income ng ‘Hello, Love, Again’ globally,” saad ni Alden.

Dagdag pa niya, “No words, no words can say how grateful we are. Maraming-maraming salamat po.”

Pelikula

Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!

“Yes, no words po,” segunda naman ni Kathryn. “We’re just extremely grateful. Thank you sa lahat ng mga sumusuporta sa movie, sa lahat ng mga kababayan natin. Grabe, parte kayo nito.”

Matatandaang nitong Linggo, Nobyembre 24, idineklara na ang “Hello, Love, Again” bilang kauna-unahang pelikulang Pilipino na naitala sa kasaysayan na kumita ng bilyon sa takilya.

MAKI-BALITA: 'Hello, Love, Again,' lumikha ng kasaysayan; kauna-unahang Pinoy film na kumita ng ₱1B