Nagbigay ng pahayag si Viva actress Julia Barretto kaugnay sa pinag-usapang pagtulong ng jowa niyang si Gerald Anderson sa mga nasalanta ng bagyong Carina noong Hulyo.
Sa latest episode ng vlog ni Bernadette Sembrano kamakailan, sinabi ni Julia na siya raw ang huling nakaalam tungkol sa pagkakawanggawa ni Gerald.
“I had no idea. So, when people were sending me videos, akala ko throwback siya. Akala ko it was from many years ago,” saad ni Julia.
“Then later on, sabi ko, ‘this kinda looks like his hair now. Like, it’s very recent. So, I asked everybody around him but at that time, isa lang sa kanila ang may signal noon kasi super binabaha na his place,” wika niya.
Dagdag pa ng aktres, “I was one of the last one to know but, yeah, na-update lang ako sa mga videos na nakikita ko.”
Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataong makausap si Gerald, agad kinumusta ni Julia ang jowa at pinaalalahanang uminom ng gamot.
Matatandaang ginawaran ng Philippine Coast Guard (PCG) si Gerald Auxiliary noong Agosto ng Search and Rescue medal and ribbon dahil sa pagtulong na kaniyang ginawa sa mga naapektuhan ng bagyo.
MAKI-BALITA: Promotion sa PCG, gagamitin ni Gerald para magbigay ng inspirasyon sa kabataan
MAKI-BALITA: Gerald Anderson, pinarangalan ng PCG